Welcome to Blogster!
709,529 Blogster Users  |  364,642 Posts
 
 
 

Marcelo1896

 

Blog Traffic: 9151

Posts: 8

My Comments: 0

User Comments: 0

Photos: 23

Friends: 0

Following: 0

Followers: 0

Points: 120

Last Online: 1804 days ago


 
 

Visitors

No Recent Visitors
 

Tungkol kay Pangulong Estrada, Pekeng Pangulong Arroyo, Sen. Trillanes, FPJ Korte Suprema, Kongreso,

Added: Friday, June 13th 2008 at 2:11am by Marcelo1896
Related Tags: politics, legal
 
 
 

Marcelo: Napakabuting pangulo ni Pres. Diosdado Macapagal. Saan kaya humugot ng kasamaan si Gloria? Sa panahon ng ama mataas ang pagtingin sa Korte Suprema. Sa panahon ng anak, nasira ang integridad nito.

Marcelo: Inagaw ni Gloria Macapagal Arroyo ang kapangyarihan, tinapakan ang Konstitusyon, kinasabwat ang media, pinaikot ang mga taong-simbahan....

Marcelo: Ipinasakdal ng pandarambong ang inagawan ng pagkapangulo na si Presidente Joseph "Erap" Estrada, pinahatulan kahit walang sala at makaraan ay ginangtimapalang maging hukom sa Korte Suprema ang kanyang inatasan.

Marcelo: Ang tanong mga kababayan, paano maaalis ang pangulong hindi tunay? Ang totoong mandarambong ay hindi aalis sa kaban ng bayan, ang sinungaling ay hindi aamin, ang mandaraya ay hindi bababa nang kusa.

Marcelo: Hindi pa nakuntento si Gloria, pinapapatay ang mga hain ng impeachment at pagkatapos ay binabayaran ng kuwarta at suhol tulad ng pagsama sa Espana ang 40 kongresistang kapwa niya magnanakaw.

Marcelo: Ikaw Gloria Arroyo ang tunay na mandarambong, magnanakaw ng kapangyarihan, kalayaan at integridad ng sambayanang Pilipino.

Marcelo: Kayong mga sundalo ng hukbong Pilipinas, hindi ba dapat na sa bayan ang inyong katapatan?

Marcelo: Kayong patuloy na nasa likod ng pangulong hindi hinalal upang agawin ang lugar ni President Estrada, hanggang kailan kayo magbubulag-bulagan at magpapaka-tuta sa maitim ang hangarin at budhing si Gloria Arroyo?

Marcelo: Ang mga Heneral at sundalong patuloy na nakikipag-sabwatan sa Pekeng Pangulo, kasing-itim ang budhi tulad ng sa kanilang huwad na amo.

Marcelo: Kahinaan ng isip at puso ang hindi kumilos para sa bayan. Pababayaan ba nating tuluyang mawala ang kabutihan at masira ang kinabukasan ng ating bayan?

Marcelo: Mahirap man ang dinaranas na buhay sa ating ababayan, hindi dapat pairalin ang karuwagan sa panahong nangangailangan ng wagas na pagkilos.

Marcelo: May panahon ng pagtitiis at may panahon ng pagbabago. Kapag hindi pa nagpasyang gumising ang bayan, mas malala pa sa ngayon ang ating magiging kinabukasan.

Marcelo: Ang lahat ng Pilipino ay binigyan ng katalinuhan upang gamitin sa kabutihan ng puso, ng sarili at ng bayan. Sunud-sunuran na lang ba tayo sa makapangyarihang lubhang mapaglinlang at maitim ang budhi?

Marcelo: Kung hindi nagising ang taumbayan noong panahon ng Kastila ay wala sana ang ating kasarinlan. Kung hindi nagpasyang lumaban ang ating mga bayani ay wala ang bayang Pilipinas.

Marcelo: May mga panahong kailangang kumilos ayon sa nararapat. May panahon ng pagtama sa mali dahil kung paa-anud na lamang ay sa bangin mahuhulog ang bayan.

Marcelo: Kaya ang tanong ko sa inyong lahat, ang kasamaan ba ng kasalukuyang ganid na maykapangyarihan ay hindi pa natin tatalikuran?

Marcelo: Hanggang saan natin pababayaan ang Inang Bayan. Siya ay humihikbi sa kalungkutan dahil ang kadiliman ay nagre-reyna. Pababayaan na lang ba natin ang tuluyang paglaganap ng kasamaan?

Marcelo: Tayo ang gagayahin ng ating mga anak at susunod na henerasyon. Kung tuluyan na tayong mawalan ng dignidad at prinsipyo, kulang na ang pagkatao ng lahing Pilipino.

Marcelo: Ang mga anak at apo ng mga patuloy na nagpapalinlang, nagpapagamit o nakiki-pagnakaw kay Gloria Arroyo ay ikahihiya ang naging pasya at pagkilos ng kanilang ninuno.

Marcelo: Kaya ang tanong ko sa inyo, mga mahal na kababayan, saan kayo papanig?

Marcelo: Sa pagpapatuloy ng mapanlinlang na nagre-reynang kasamaan o sa pagbabagong sadyang hindi madaling makamit, ngunit sa dulo naman ay magdudulot ng wagas na saya ng damdamin ng ating Inang Bayan?

Marcelo: Si Senador Trillanes totoong halal ng bayan kahit tinangkang dayain. Hindi lahat ng panahon maghahari ang kadiliman ni Gloria. Ang ama niyang tunay na naging pangulo lubhang hindi matahimik sa kabilang buhay.

Marcelo: Hindi nakakahiya para kay Senador Trillanes ang makulong sa rehas ng kasamaan ni Gloria Arroyo. Sa paghuhusga ng kasaysayan, mayuyurakan ang pangalan ng magnanakaw, mandaraya at lubhang sinungaling.

Marcelo: Dakila ang hangarin, buo ang damdamin sa kabila ng kabuktutan at paniniil ng ganid sa pagka-pangulo. Isinusulat na ang kabayanihan ni Sen. Trillanes sa pahina ng kasaysayan ng bayang Pilipinas.

Marcelo: Sa kabilang banda, iginuguhit na ang napakaitim na larawan ng mangaagaw, sinungaling, mandaraya at tunay na mandarambong na si Gloria Arroyo sa dahon ng ating kasaysayan.

Marcelo: Sa pagbabasa ng pahina ng kasaysayan patungkol sa kasalukuyang siglo, matatatak sa susunod na henerasyon ang walang patid na katiwalian, kasamaan, pagnanakaw at panlilinlang sa panahon ng mangaagaw at huwad na pinuno.

Marcelo: Maaring sa kasalukuyan ay nasa itaas si Arroyo ng gulong ng pulitika dapatwa't sa huli ay sa taong bayan ang matamis na halakhak ng tagumpay.

Marcelo: Ang mga nagpapabayad sa di tunay na pangulo upang magkalat ng kasinungalingan at patuloy na linlangin ang taumbayan ay para na ring nagsanla ng kaluluwa't kinabukasan.

Marcelo: Ang mga taksil sa bayan ay itatakwil ng kasaysayan at aani ng itinanim na kasamaan. Hindi lahat ng tao sa lahat ng panahon ay mapapaikot ng lubhang sinungaling na nang-agaw ng pagkapangulo.

Marcelo: Ang mga patuloy na nagtataguyod ng hindi tunay na inihalal at maitim na budhing si Gloria Arroyo ay walang sariling bait o dili kaya ay kasing itim niya ang budhi.

Marcelo: Ang walang patid na kasinungalingan at pandarambong ay bibigyan tuldok din ng mga bagong bayaning sa bayan ay taos-puso ang malasakit.

Marcelo: Ang taksil sa bayang anak ni Pangulong Diosdado ay babagsak din sa kanyang dapat kalagyan, kasama ng tusong kasabwat, ang magiliw sa Tabako na si Fidel Valdez Ramos.

Marcelo: Kayong patuloy na nakikipagsabwatan sa kanyang panlilinlang at pandarambong, o nagbubulag-bulagan sa kanyang kasamaan, kayo ay itatakwil ng susunod na henerasyon.

Marcelo: O kung hindi naman ay kasing-itim ng budhi ng inyong nagpapanggap na pangulo ang kaibutiran ng inyong masangsang na mga budhi.

Marcelo: Kayong patuloy na nakikipagsabwatan sa panlilinlang at pandarambong, o nagbubulag-bulagan sa kasamaan ni Gloria Arroyo, kayo ang mga tunay na wala sa sariling bait.

Marcelo: Nakikinabang man kayo o hindi sa kasamaan ni Gloria Arroyo, dahil sa inyong pag-ayon o pagpapabaya kasama kayong itatakwil ng Inang Bayan at paparusahan ng kasaysayan.

Marcelo: Ang dahilan ay walang iba kundi ang takot ni Tabako na siya'y maparusahan kapag nabuklat ang kanyang mga pagnanakaw, kabilang na ang sa proyektong Centennial Clark Expo sa 100 Guning-Taon ng Ating Kalayaan.

Marcelo: Matagal na ring pahapyaw na napaguusapan ang masidhing pagtutol ni Fidel Ramos sa kandidatura ng kanyang bise na si Estrada sa pagka-pangulo.

Marcelo: Nahuli sa sariling bibig ang kasamaan nila Gloria at Chavit, bagama't ngayon ay binubura ng tusong propaganda itinuro ni Fidel Ramos.

Marcelo: Isinulat ng kapita-pitagang si Nick Joaquin na bagong upo pa lamang si Pangulong Estrada ay pinagplanuhan na nina Mike Arroyo at Chavit Singson ang pagpapatalsik sa naturan.

Marcelo: Ang bintang na pandarambong kay Estrada ay malayo sa katotohanan-- kasing layo ng antas ng pagka-pinuno ni Pangulong Diosdado Macapagal sa itim na tupa niyang anak na si Gloria Arroyo.

Marcelo: Si Estrada ay may naging pagkukulang nguni't ang pandarambong sa kaban ng bayan ay kasinungalingang propaganda ng mga inggit sa pagmamahal na nakamtan niya mula sa karamihan ng ating kababayan.

Marcelo: Kung paanong ang EDSA Uno ay nagtanghal ng kapangyarihan ng mga mamamayan, ito naman EDSA Dos ang naging hudyat ng paglupig nito.

Marcelo: Darating ang sandali na ang kamalian ng EDSA Dos na nagluklok kay Arroyo ay iwawasto, at ang mga kasinungalingan nito ay maitutuwid.

Marcelo: Ang mga taksil sa bayan ay itatakwil ng kasaysayan at aani ng itinanim na kasamaan. Hindi lahat ng tao sa lahat ng panahon ay mapapaikot ng lubhang sinungaling na nang-agaw ng pagkapangulo

Marcelo: Ang mga nagpapabayad sa di tunay na pangulo upang magkalat ng kasinungalingan at patuloy na linlangin ang taumbayan ay para na ring nagsanla ng kaluluwa't kinabukasan.

Marcelo: Hindi iniinda ang galit at pananaw ng nasasakupan ng kanyang huwad na pagkapangulo. Si Gloria Arroyo ba ay balat kalabaw na siniksik sa isang unano nguni't pusong halimaw na sisidlan?

Marcelo: Nguni't sadyang matapang ang apog at maitim ang budhi ng itim na tupang maliit na anak ni Pangulong Diosdado.

Marcelo: Hindi si Apo Ferdinand Marcos at lalong hindi si Joseph Estrada. Walang iba kundi si Gloria Arroyo ang pinaniniwalaang Pinakakurakot na Pangulo sa kasaysayan ng bayang Pilipinas.

Marcelo: Muling pinakita ng survey ng Pulse Asia na si Gloria Arroyo ang pinaniniwalaang Pinakakurakot na Pangulo na naupo sa Malacanang.

Marcelo: Nguni't hindi nakapagtataka kung ito man ay madaya. Ang tagasunod ng Pangulong 'Hello Garci' ay lubhang walang konsensiya.

Marcelo: Hindi nakapagtatakang ang Pinakakurakot na Pangulo sa kasaysayan ng Pilipinas ay nakaupo pa sa nakaw na kapangyarihan ng Malacanang...

Marcelo: Sapagka't marami pa rin ang kulang-kulang sa sariling bait at nagpapagamit sa Pangulong 'Hello Garci'.

Marcelo: Hindi nila inaanlinta ang ang pagkawarat ng ating kasalingan at kinabukasan. Mga tiwali at baluktot ang pag-iisip, palibhasa'y salahula ang damdamin.

Marcelo: Tama bang itaguyod ang mali? Kayong mga bayarang propagandista ng manggaagaw at mandaraya at sukdulang kurakot na si Gloria Arroyo... nasaan ang inyong bait?

Marcelo: Tatahimik na lamang ba at makiki-ayon sa pandarambong ng kabang bayan....pagyurak sa integridad ng mga institusyong binuo ng kalahating siglo patungo sa demokrasyang inaasam?

Marcelo: Ang buwang ay ang hindi nakikinig sa atas ng konsensiya. Kayong bayaran ang magtrabaho ng marangal--at hindi patuloy na maging bahagi ng pagkurakot sa kabang bayan.

Marcelo: Tunay na wala sa sariling bait at pag-iisip. Ginagamit ang salitang paggalang, samantalang ang pananaw ng mga nananatiling may konsensiya ay pilit na pinatatahimik.

Marcelo: Pinagplanuhan ng karumal-dumal na mga personahe, ang Unang Unggoy na si Mike Arroyo at ang matang demonyong si Chavit, ang pagtanggal kay Pangulong Estrada...

Marcelo: Binaboy ang diwa ng EDSA, ginamit ang media upang malinlang ang ilang kababayan at taong simbahan, sa tagong pangalan ng kasakiman sa kapangyarihan.

Marcelo: Tinanggal ang tunay na Pangulong Estrada, gamit ang Korte Suprema na bumaluktot sa atas ng Konstitusyon...

Marcelo: Pagkatapos ay ginamit na naman ang media upang patuloy na isalarawang masama at kurakot ang Pangulong Erap na nakakuha ng pinakamataas na boto sa kasaysayan ng Pilipinas.

Marcelo: Ikinulong at isinakdal ang inagawang si Pangulong Estrada, kapwa sa media at sa Kanggarong Korte ni Hukom Teresita Leonardo De Castro.

Marcelo: Samantala, noong una ay marami rin ang napaniwala dahil turuan ni Fidel Valdez Ramos ang pagbalangkas ng propaganda ng bulaang paratang kay Estrada.

Marcelo: Nguni't habang tumatagal, lumalabas sa survey na lubhang nakararami ang naniniwalang si Pangulo Estrada ay walang kasalanan sa bintang ng pandarambong sa kaban ng bayan.

Marcelo: Ilang linggo bago ibinaba ang hatol sa bulaang bintang na Pandarambong, nakita sa SWS survey na karamihan ng Pilipino, inakala at inasam na siya'y mapapawalang-sala.

Marcelo: Nang ibinaba na nga ang hatol kay Estrada, muntik nang pagbawalan ang media sa pagbalita ayon sa detalye ng mga kaganapan.

Marcelo: Nguni't nakapasok man ang media, binawal na ipasaksi sa tao ang pangungusap ng mukha ni Pangulong Estrada sa pagbasa ng hatol mula sa Kanggarong Korte ni Gloria Arroyo.

Marcelo: Ibinaba na nga ang hatol mula sa Kanggarong Korte na pinangunahan ni Teresita De Castro. Hindi kataka-takang maysala daw ang pangulong isinakdal ni Arroyo na siyang nang-agaw ng pagkapangulo.

Marcelo: Hindi nagtagal ay ginantimpalaan ang Hukom na naatasan: Ngayon ay Huwes na ng Korte Suprema, walang iba kundi si Teresita De Castro ng Kanggarong Korte na nagbaba ng huwad na hatol kay Estrada.

Marcelo: Nguni't nang nakita ko na ang marami sa mga personahe na kay Erap ay gustong magpababa noong taong 2000, aking napagtanto na mas masama ang mangyayari.

Marcelo: Ayoko sa kanyang pagkakaroon ng maraming asawa, at ang bintang na pagkupkop kay Lacson na sa Kuratong Baleleng ay itinuturong sangkot.

Marcelo: Hindi ko kailanman binoto noon si Pangulong Estrada: katunayan, noon ay katulad din ako ng ibang minaliit ang sa kanya ay sumuporta noong halalan ng taong 1998.

Marcelo: Maaring si Pangulong Cory ay kasama sa EDSA Dos, nguni't ang presensya ni Tabako, Chavit at ilan pang kurakot ay nagbadya ng maitim na pang-aagaw sa Malacanang.

Marcelo: Makikita sa kanyang mga kahalubilo ang kulay ng budhi at katapatan ng pakay.

Marcelo: Kapag ang humuhusga at nag-iingay ay alam mong mga makasalanan, umasa kang magiging mas masama ang kalalabasan.

Marcelo: Bunga man ng mabuting Pangulong Diosdado Macapagal si Gloria Arroyo, mababanaag na kasakiman at salot na ambisyon ang nag-uudyok sa pang-pulitikang kilos ng magiging Huwad na Pangulo.

Marcelo: Kasabwat ang Kardinal ng Kasalanan, ang Nakakatawang Punong Hukom ng Korte Suprema, mga negosyanteng taksil, buktot na elemento ng media at CPP-NPA, si Gloria nga ay naluklok sa agaw na kapangyarihan.

Marcelo: Maraming buwan bago ang halalan ng taong 2004, ipinahayag ni Gloria na hindi siya tatakbo sa pagkapangulo. Nguni't ayon nga sa ating kasabihan: 'ang magnanakaw ay kapatid ng sinungaling.'

Marcelo: Pagdating ng 2004, binawi ng Huwad na Pangulo ang kanyang pahayag at ginawa ang lahat, gamit ang kabang-bayan, upang ikampanya ang sarili sa taumbayang niyurakan ng kanyang pang-aagaw ng kapanyarihan.

Marcelo: Tunay na ganid nga sa kapangyarihan, ang kasinungalingan ni Gloria ay babakasan ng isa pang kasalanan. Ang kanya namang susunod na aagawan ay ang kaibigan ni Erap na walang iba kundi si FPJ.

Marcelo: Gamit ang kabuktukan ng COMELEC at ang salahulang komisyonado na si Virgilio 'Hello Garci', ang Huwad na Pangulo ay naging isa naman Nandayang Pangulo.

Marcelo: Nilabag na naman ang kagustuhan ng taumbayan, at si Fernando Poe Jr. ay hindi pinaupo bilang ika-14 na Pangulo ng bayan.

Marcelo: At nagpatuloy ang kabuktukan ng masamang ayaw bitiwan ang rangya at kapangyarihan ng Malacanang. Nguni't di lumaon ay napag-alaman din ang pandarayang ginawa sa isla ng Mindanao.

Marcelo: Nailabas ang mahika sa istatiktika ng mga boto, na natala sa rekording ng nakakahiyang 'Hello Garci.'

Marcelo: Subali't sadya yatang makapal ang apog at mukha ng maliit na anak ni Diosdado Macapagal. Hindi raw siya nandaya sa halalan o nang-agaw ng kapangyarihan o dili kaya ay gumagawa ng katiwalian.

Marcelo: Subali't kung pakikinggan ang usap-usapan ng karamihan, sinusuka ang Huwad at Nandayang Pangulo, dapatwa't kapanalig niya ang mga kapwa taksil sa bayang nasa militar, Korte Suprema at Kongreso.

User Comments

Post A Comment

This user has disabled anonymous commenting.